|

ULAT SA LALAWIGAN NI
Kgg. Ramoncita P. Ong
Punong Lalawigan ng Aurora
Ika-22 ng Enero 2002
Kgg.
Pangalawang Punong Lalawigan Annabelle C. Tangson, Kgg. na mga
miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, dating Punong Lalawigan na aking
kabiyak, Eddie Ong, Inay, Gng. Natalia Ong, mga pinuno at kawani ng
ibat-ibang tanggapan, sa mga panauhin, at sa lahat ng ating mga
kababayan, magandang umaga po.
Ako
po ay nagagalak na kayo ay aking makasama sa paglalahad ng bunga ng
ating pinagtulungang gawain at pagsisikap nuong nakaraang taon, gayon
din sa pagpapaabot ng ating mga balakin para sa kasalukuyang taon.
Kung
inyo pong natatandaan, nuong ako ay manumpa sa tungkulin bilang Punong
Lalawigan ay sinabi ko na ang “kaunlaran” na aking nais sundan ay
(1) makatao na kung saan ang interes at kapakanan ng ating mga
kababayan ay mapoprotektahan; (2) maka-kalikasan – na kung
saan ay ating sisiguruhin na ang mga programa at proyekto ay
makabubuti sa ating kapaligiran at (3) maka-Aurora na kung saan
ang ating isusulong na mga programa at proyekto ay base sa
pangangailangan ng lalawigan at nababagay sa “geographical
features” ng Aurora.
At
dahil sa mga panuntunang ito ay masisiguro natin na ang Four (4) Point
Agenda na aking inihain nuong Inaugural Address sa harap din ng
kapulungang ito ay ating maipatutupad.
Una
ko pong tatalakayin ay ang mga bagay na may kinalaman sa ECONOMIC
DEVELOPMENT PROGRAM. Kung inyo pong napapansin, malaki ang pinagbago
ng mga tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan ng mga lokal na
pamahalaan. Hindi po lamang ang pagbibigay natin ng serbisyo sa
publiko ang ating concern, manapa’y iniaatang din sa atin ang
pagpapalago ng ating lokal na ekonomiya. Napakabigat pong
responsibilidad nito lalo
na sa isang maliit at mahirap na lalawigan.
Kailangang
tayo ay umisip ng mga pamamaraan kung paano tayo makatutugon sa hamon
ng panahon na hindi maisasakripisyo ang ating mga likas na yaman at
kagandahan ng kapaligiran.
Dahil
po dito ang mga programang ipinatutupad ng Provincial Agricultural
Office, Provincial Veterinary Office, Provincial Fishery and Aquatic
Resources Office, Provincial Cooperative Office at ng Provincial
Tourism Office ay atin pong tinutuon sa pagpapapataas ng antas ng
kabuhayan ng ating mamamayan at pagpapalago ng ating ekonomiya.
Katulad
halimbawa ng “Binhian
sa Lalawigan” project na sa pamamagitan ng ating pagtulong sa mga
seed growers ay umaani ang ating mga magsasaka ng magandang uri ng
palay na naipagbibili nila sa mataas na halaga bilang certified seeds.
Patuloy din po nating ipinatutupad ang
“Plant Now Pay Later” scheme.
Patuloy
din tayong nagsasagawa ng mga pag-aaral kung paano natin mapapalakas
ang produksyon ng ating mga sakahan. Nagpapautang din tayo ng mga post
harvest facilities upang magamit ng ating mga magsasaka matapos
mag-ani tulad ng instore dryer, mobile flash dryer at electric rice
dryer. Sa ilalim ng programa ng Food Always In The Home (FAITH)
project ay namamahagi tayo ng iba’t-ibang uri ng mga binhi ng gulay,
kabuti at ng high value commercial crops at patuloy po tayong
nagtuturo ng ibat-ibang paraan ng pagtatanim.
Ang coffee industry ay atin ding pinagtuunan ng pansin, dahil
dito, ay gumawa tayo ng Five
(5) Year Provincial Coffee Development
Program (PCDP) na siya nating sinusundan upang mai-angat ang
nasabing industriya.
Ang
ating Provincial Veterinary Office ang nanguna sa pagpapatupad ng mga
programa ukol sa pagpaparami at pangangalaga ng ating mga alagang
hayop at may kabuuang 5881 beneficiaries ang ating natulungan sa buong
lalawigan. Sa kasalukuyan tayo ay nag me-maintain ng ibat-ibang uri ng
hayop para sa Animal Dispersal Program. Upang masigurong ligtas at
walang sakit ang mga hayop na pumapasok at lumalabas sa ating
lalawigan ay mahigpit nating ipinatupad ang pag-iissue ng quarantine
permit.
Kaya,
sasamantalahin ko po ang pagkakataong ito upang hilingin sa Kgg.
Sangguniang Panlalawigan ang pagpapasa ng isang ordinansa na
nagtatakda ng bayad sa pag-iissue ng Veterinary Health Certificate at
Shipping Permit.
Ang
tanggapan naman ng Fishery and Aquatic Resources ang nanguna sa
pagpapatupad ng mga programa ukol sa pag-aalaga at pagpapaparami ng
isda. 313,355 fingerlings mula sa ating Tilapia Breeding Center ang
ating naipamahagi sa mga fishpond cooperators sa buong lalawigan. Sila
ay nanguna din sa pagre-research at
pagpapatupad ng mga Fishery Laws, rules and regulations.
Ang
Provincial Cooperative Office ay patuloy na tumutulong upang mapalakas
ang mga kooperatiba sa buong lalawigan. Nakapag pautang tayo ng kulang
na kalahating milyon (P471,000.00) na nakapag-benepisyo sa 9 na
kooperatiba at 55 na individual borrowers.
Ang
programa po natin sa turismo ay nag uumpisa pa lamang at napakarami po
ng ating dapat gawin. Isa sa ating mga naumpisahan nuong nakaraang
taon ay ang initial na pagpaplano kung paano tayo magka-capitalize sa
eco-tourism sa limitadong pondo ng ating pamahalaan. Marami po tayong
binabalak ipatupad na mga gawaing pang turismo, na sa mga susunod na
panahon ay inaasahang magbibigay sigla sa ekonomiya ng ating probinsya.
Ilan po dito ay ang pagde-develop ng ibat-ibang eco-tourism sites sa
Aurora sa tulong ng ating mga Pamahalaang Bayan; ang pag-organisa ng
mga tourism events tulad ng surfing competition, Festival at package
tour. Nagsisikap din po tayo na makilala ang ating lalawigan sa
pamamagitan ng promotion sa telebisyon at iyan po ay atin ng
naumpisahan sa tulong ng Lakbay TV at Sports Unlimited.
Natutuwa
po akong ibalita sa inyo na nuong kami ay magtungo sa Office of the
Presidential Adviser for Northern Luzon kasama ang ilang kagawad ng
Sangguniang Panlalawigan at Department Heads ay ibinalita sa amin ni
Undersecretary Diaz ang plano ng ating pangulo para sa lalawigan ng
Aurora, sakaling tayo ay mapabilang sa Region III. Isa po sa nakikita
na magiging benepisyo nito sa atin ay ang paglago ng ating turismo.
Nabanggit po ni USEC Diaz na ang pagbubukas ng President Diosdado
Macapagal International Airport sa Clark Field Pampanga ay
inaasahang makaka-akit ng mga turista mula sa ibat-ibang bansa at ang
mga turistang ito ay kukumbinsihin ng North Philippine Tourism Council
na magtungo sa ibat-ibang bayan ng Northern Luzon, na kung saan ang
Aurora ay isa sa magiging destinasyon. At ang pag de-develop ng
national government sa Fort Magsaysay bilang economic zone ay
makatutulong ng malaki sa trade and commerce ng ating lalawigan.
Ang
plano pong ito sa tingin ko ay makabubuti para sa atin sapagkat ang
malaking halaga ng investment para sa lubos na pag-papaunlad ng ating
lugar ay hindi kayang balikatin ng kagaya nating maliit na lalawigan.
At dahil dito ay naniniwala ako na ang mungkahi ng ating mahal na
pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng siya ay dumalaw sa bayan ng
Casiguran noong September 20 noong nakaraang taon, na tayo ay
mapabilang sa Region III ay ating dapat sang-ayunan sa lalong madaling
panahon.
Dadako
po naman tayo sa
ENVIRONMENTAL
MANAGEMENT
Mawawalan
ng saysay ang ating pagsisikap na umunlad kung ang ating kapaligiran ay
hindi mapapangalagaan.
Sa
ilalim po ng tanggapan ng Environment and Natural Resources ay ating
patuloy na pinapangalagaan ang ating kabundukan at tinutulungan ang mga magsasaka na duon ay namamalagi upang pagyamanin ang
lupa na pinahiram sa kanila ng pamahalaan. Dahil isa sa aking prioridad
ang pangangalaga ng kalikasan at ang
pagpapanatili ng luntiang kapaligiran ay minarapat ko na mag-create
ng Task Force Bantay Kalikasan. Sa tulong ng ating Philippine Army,
Philippine National Police, DENR, DOJ at NGOs ay ating inaasahang
mahigpit na maipatutupad ang ating mga environmental laws, rules and
regulations. Bahagi pa rin ng ating program ukol sa environment ay ang
Clean and Green Program na isinusulong din ng ibat-ibang pamahalaang
bayan. Patuloy din ang isinasagawa nating kampanya ukol sa Solid Waste
Management at ang pagtatalaga sa Task Force Clean and Green upang
tumulong sa iba’t-ibang bayan ng ating lalawigan na mapanatili ang
kalinisan. Sa kasalukuyan ang PTFC&G ay nakikipagtulungan sa
Pamahalaang Bayan ng Baler upang magkaroon ng dump site. Isinasaayos na
ng ENRO ang requirements katulad ng Geological Assesment Report upang
ito ay maipresenta sa mga mamamayan para sa social acceptability.
Ang
Provincial Mining Regulatory Board ay naging maingat sa pagi-issue ng
quarry permit at naging efficient din tayo sa pangongolekta ng mga fees
at taxes ukol dito na humigi’t-kumulang sa 1.8 M.
SOCIAL
DEVELOPMENT
Sa
larangan po ng Social Development ay ating lubos na sinuportahan ang
mga gawaing pangkabataan, na isa sa mga naging dahilan sa pagkakamit ng
isang parangal, bilang pinakamahusay na SK sa Pilipinas ng ating
kinatawan ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa Sangguniang
Panlalawigan na si Bokal Shierwin Taay. Nakipagtulungan ang inyong
pamahalaang panlalawigan sa PNP upang maorganisa ang isang samahan ng
mga kabataan upang sila ay malayo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang nasabing samahan ay tinawag na Ilegal na Paggamit ng Droga Ayaw ng
Mamamayang Aurora na may akronim na IPADAMA. Ang proyektong ito ay
ating ipagpapatuloy sa pamamagitan ng pagsasagawa ng seminars sa
iba’t-ibang bayan upang ating mapalawak ang mga activities at
maparami ang miyembro ng organisasyon.
Bilang
pagkalinga sa ating mga mahihirap na mga kababayan ay patuloy nating
ipinatupad, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development
Office (PSWDO), ang mga programa ukol sa pagbibigay ng tulong
pinansiyal sa mga biktima ng kalamidad, gayon din sa mga taong nasa
gipit na kalalagayan. Natulungan din natin sila sa pamamagitan ng
pagpapahiram ng tulong puhunan at pagbibigay ng disenteng tahanan na
tinatawag nating Core Shelter. Dahil na rin sa kakulangan ng pondo ay
hindi natin lubos na maipagkaloob ang lahat ng mga kahilingan para sa
pabahay. Subalit sinisiguro naman natin na taun-taon tayo ay palagiang
may nakalaang pondo upang ang iba pang pamilya na nagangailangan ay
ating mapaglingkuran. Lubos din ang ating naging pagpapahalaga sa
Senior Citizen, gayon din sa mga kababaihan. Tinulungan po natin sila
sa pamamagitan ng pag-bibigay ng kaukulang pondo para sa pagtatayo ng
sariling hanap-buhay. Mahalaga
at malawak ang ating programa sa mga munti nating kabataan, sa
pakikipagtulungan ng UNICEF ay ating isinusulong ang Child Friendly
Movement sa buong lalawigan sa ilalim ng 5th Country
Programme For Children or CPC V.
Ang
nutrition program ay ipinatutupad ng Provincial Nutrition Council at
Provincial Nutrition Action Office na patuloy na nakikipag-ugnayan sa
mga Pamahalaang Bayan at mga Municipal Nutrition Council upang ating
mapababa ang insidente ng malnutrition.
Alam
natin na ang pondong inilaan ng pamahalaang panlalawigan ay hindi sapat
upang matugunan ang ating suliranin sa malnutrition. Kung kaya
hinihiling ko rin ang ibayong tulong ng mga Punong Bayan at ng
ating mga kababayan upang ating magkatuwang na ma-improve ang ating
programa ukol sa nutrisyon. Ito po ay hindi lamang concern ng
Pamahalaang Panlalawigan, o di kaya ng Pamahalaang Bayan. Ito po ay
responsibilidad nating lahat bilang tao. Sa kasalukuyan at sa susunod
pang mga taon ay inaasahan ko na tayo ay mas higit pa
na magkakatulong-tulong ukol sa pagpapatupad ng nutrition
program sapagkat ating ia-apply ang
multi-sectoral partnership approach
upang tugunan ang mahalagang concern na ito.
Ang
kalusugan ay isa sa aking prioridad at dahil dito ay layunin ko na
mapabuti pa ang serbisyo ng mga ospital. At dahil nga sa kagustuhan
natin na higit na mapagbuti pa ang serbisyo ng ating ospital ay
nag-engage tayo ng services ng mga magagaling na Surgeon o surihano
mula sa ibat-ibang malalaking ospital sa Maynila. Bukod po sa
serbisyong ito ay sinikap ko na mabigyan ng libreng serbisyong
pangkalusugan ang mahihirap nating mamamayan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng Medical at Surgical Missions sa tulong ng Philippine
Charity Sweeptakes Office (PCSO) at Manila Sanitarium and Hospital.
Bunga ng aking pakikipag-ugnayan sa Department of Health - Region IV ay
nabigyan din tayo ng mga gamot. At dahil sa kagustuhan natin na
mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan tayo ay naglaan ng
pondo na nagkakahalaga ng P 500,000.00 ngayong kasalukuyang taon upang
ang humigit kumulang 1,700 na mahirap nating mamamayan ay magkaruon ng
health insurance na kanilang magagamit anu mang oras na sila ay
magkaruon ng karamdaman. Katulong po natin ang PHILHEALTH upang ito ay
matagumpay nating maisagawa. Layunin ko rin po na maipagpatuloy ang
plano ng ating dating Punong
Lalawigan na maiayos ang pisikal na istraktura, kagamitan at serbisyo
ng Aurora Memorial Hospital sa pamamagitan ng pagtatayo ng bago at
modernong ospital sa Brgy. Reserva, dito sa bayan ng Baler, na
strategically located sa gitna ng central towns.
Ang
pagpapatayo ng isang modernong ospital ay isasagawa natin sa
pamamagitan ng pag-utang sa Landbank of the Philippines na nuon pa man
ay atin ng katuwang sa pagpapaunlad ng lalawigan. Ito po ay hindi naman
magiging mabigat para sa atin sapagkat ito ay self-liquidating project.
Inaasahan ko na ang ating kapwa lingkod ng bayan na nasa Sangguniang
Panlalawigan ay sasang-ayon sa planong ito sapagkat ito ay para sa
kapakanan nating mga mamamayan ng Aurora.
Sa pamamagitan nito ay makakaakit tayo ng mga dalubhasang
manggagamot na siya nating lubhang kailangan sa ngayon.
Dahil
sa dedikasyon sa gawain at mabuting pamamahala ng ating Division
Superintendent, mga Supervisors, mga Punong Guro at Guro ay mataas ang
bahagdan ng ating performance indicator nuong nakaraang taon batay sa
ulat ng Department of Education (DepEd). Bilang ina at Punong Lalawigan
ay aking lubos na sinusuportahan ang sektor ng Edukasyon. Pinatunayan
ito ng mga naging prioridad sa Budget ng Provincial School Board at ng
iba pa nating inilaan na pondo mula sa ating Annual Budget para sa
pagpapatupad ng Scholarship Program, Special Program For Employment of
Students at scouting activities. Akin ding sinusuportahan ang
Non-Formal Education (NFE) sa pakikipagtulungan ng TESDA sa pagsasanay
ng mga kabataan, kababaihan at ng iba pa nating kababayan upang
ma-develop ang kanilang skills. Noong nakaraang taon, tayo ay
nakapagpadala ng dalawang (2) representatives sa Asean Skills
Competition na ginanap sa Bangkok, Thailand at dito sila po ay nagkamit
ng unang gantimpala sa Furniture Making category at pangalawang
gantimpala naman sa Joinery category. Nanalo rin ang ating
representative, ng Gold Medals sa Furniture & Cabinet making at
Smoked Fish Processing categories noong September 2001 sa Philippine
National Skills Competition na ginanap sa Davao. At ang nagwagi dito ay
ang ating representative sa Furniture & Cabinet Making - Youth
Category na lalahok muli sa Asean Skills Competition sa Jakarta,
Indonesia ngayong October 2002. Ang mga kaalamang ito ay kailangan
natin sa pagtatayo ng hanapbuhay na makakatulong sa pagpapaunlad ng
ating ekonomiya. Nais kong ipaabot sa mga nagwagi na ikinararangal sila
ng ating lalawigan kung kaya’t sila ay ating prioridad upang makapag-avail
ng pondo mula sa ating livelihood program. Kaya huwag nating palampasin
ang panahon at tayo ay mag-aral at tuklasin ang mga bagong kaalaman sa
pamamagitan ng programa ng TESDA at ng inyong Pamahalaang Panlalawigan.
Ang
ating mga guro at mag-aaral sa ilalim ng Special Education (SPED) ay
masasabi nating equally competitive sa ibang lalawigan sapagkat nuong
nakaraang taon sila’y nagkamit ng maraming karangalan sa 2001
Regional Special Games for the Physically Abled na ginawa sa Candelaria,
Quezon.
At
naging katuwang din natin ang DepEd sa pagpapatupad ng dalawang (2)
Foreign Assisted Programs ang CPC-V at Third Elementary Education
Project (TEEP) upang patuloy na mapaghusay at maitaas pa ang bahagdan
ng mga performance indicators tulad ng level of participation,
completion at graduation.
Mahalaga
po sa akin ang pakikipag-konsultasyon sa inyo na aking mga kababayan.
Kung kaya’t ako po ay nagtalaga ng isang araw sa isang linggo, Araw
ng Miyerkules, bilang People’s Day. Sa araw pong ito ay tiyak na
makakaharap ako ng ating mga kababayan upang dinggin ang kanilang
pangangailangan. Alam po ninyo, napakarami ng gawain ng isang Punong
Lalawigan tulad ng pamamahala ng iba’t-ibang tanggapan sa Pamahalaang
Panlalawigan, pagdalo sa mga pagpupulong dito at sa kamaynilaan at
ganon din ang pagdalaw sa iba’t-ibang barangay na nagiging dahilan
kung minsan ang hindi ako maabutan sa aking tanggapan ng ating mga
kababayan lalo’t higit yong mga nagmula pa sa malalayong lugar.
Sa
pamamagitan po ng People’s Day ay makatitiyak sila na ako ay kanilang
makakapanayam, ngunit di po ibig sabihin nito ay hindi na ako tatanggap
ng panauhin sa ibang araw. Patuloy pa rin po ang aking pagtanggap ng
mga nais makipag-usap sa akin maging sa aking tanggapan o sa aming
tahanan.
Natutuwa
rin po akong ibalita sa inyo na sa maikling panahon pa lamang ng aking
paglilingkod sa inyo ay na-appreciate na ang aking efforts at prinsipyo,
sapagkat ang inyong lingkod po ay napagkaisahang mapili bilang Regional
Chairman ng Sectoral Committee on Social Development ng Regional
Development Council. This coming year, I am confident that we would
have a better access to the social development programs of the National
Government and other institutions in close collaboration and
partnership with NEDA and the different national government agencies.

INFRASTRACTURE
DEVELOPMENT
Bilang
suporta sa iba pa nating development efforts ay ating pinagsisikapang
makapagpagawa ng mga basic at major infrastracture projects na
kailangan ng ating lalawigan. Ating palagiang pinagtataanan ng pondo sa
ating budget ang mga basic social infrastracture tulad ng mga
silid-aralan, Day Care Centers, Health Centers at Brgy. Multi-Purpose
Hall na kailangan ng ating mga barangay.
Ang
pagsasa-ayos ng pinagkukunan ng maiinom na tubig ay atin ding prioridad
kung kaya ito ay ating ipino-programa taun-taon hanggang sa ito ay
tuluyan nating maisaayos. Ang kabuuang halaga po na inilaan dito nuong
nakaraang taon ay P2,360,000.00.
At
ngayong taon ay matatapos na ang ating pagpapatupad ng Rural Waterworks
Supply, Sanitation, Sector Projects (RW3SP) – isang Asian Development
Bank - Assisted project na ating ipinatupad sa loob ng 5 taon na
kinabibilangan ng Spring Development, pagpapagawa ng mga deep well at
shallow well at pipe laying distribution na nagkakahalaga ng 5.29 M.
Nagkongkreto at nag maintain din tayo ng mga Provincial Roads at
nagpagawa tayo ng mga tulay. Pinaplano kong ipa-convert ang iba pa
nating Provincial Roads into a National Road tulad ng Poblacion-Umiray
Road sa bayan ng Dingalan, at Casiguran - Dilasag Road upang mas
mataanan ng malaking pondo at maisaayos ng lubos ang maintenance nito
ng national government. Ngayong taon ay maglalagay na po tayo sa
Casiguran Sub-Office ng permanenteng mga equipment tulad ng 2 Dump
trucks, 1 Loader at 1 Grader upang palagiang magsaayos ng iba’t-ibang
lansangan sa tatlong bayan sa norte. Nagsa-ayos din tayo ng mga
drainage at nagtayo ng mga kongkretong istruktura upang pigilan ang
pagbaha.
Naging
supportive tayo sa mga proyektong rural electrification at dahil diyan
ay palagian tayong nakikipag usap sa AURELCO, NAPOCOR, NEA at DOE kung
paano natin higit pang mapagbubuti ang serbisyo ukol sa elektrisidad sa
buong lalawigan. At nuon pong October 28, 2001 ay aming nilagdaan ang
isang Memorandum of Agreement ukol sa “O Ilaw Project” ng ating
mahal na Pangulo Gloria Macapagal - Arroyo ukol sa energization ng 22
barangays sa Aurora na wala pang serbisyo ng elektripikasyon. Sa taong
ito ay pitong (7) barangay sa Ma. Aurora at isang (1) barangay sa
Dilasag ang nakatakdang mailawan na nagkakahalaga ng P13,972,916.64
mula sa DOE at NPC.
Kaugnay
pa rin po ng rural electrification projects, ang kahilingan ng ating
dating Punong Lalawigan Eddie Ong na installation ng dalawang (2) Units
na bagong generator para sa Casiguran Power Plant ay sinangayunan na ng
National Power Corporation. At batay po sa aming pag-uusap ng pangulo
ng NPC na si G. Alcardo, ito’y ganap na mai-instila sa Casiguran
ngayong 3rd quarter ng taon, bahagya po itong maaantala
dahilan sa mga proseso na dapat pang sundin tulad ng bidding at
procurement bago pa ang ganap na installation ng nasabing generators.
Dahil po dito ay masisiguro na natin ang 24 na oras na serbisyo ng
elektripikasyon sa DICADI.
Minarapat
ko, na ang mga plano nating isagawang
infrastructure projects, ay maihingi ko ng tulong sa mga senador. Si
Senador Cayetano ay nangako na kanyang lalaanan ang pagkokongkreto ng
isang portion sa Dipaculao-Maria Aurora road na nagkakahalaga ng P6.0M,
at si Senador Magsaysay naman ay nagcommit na kanyang susuportahan ang
ating water works projects na nagkakahalaga ng P2.0M. Bago po ako umuwi
ay lumapit din ako sa National Housing Authority upang tayo ay
mapagkalooban ng pondo sa pabahay. At si GM Pamintuan ng NHA ay
nagcommit na tayo po ay kanilang tutulungan ng halagang P8.0M para sa
Site Development ng ating housing project. Maliban po dito ay kanila
ring ipinagkaloob ang kahilingan ng ating dating Punong Lalawigan na
tulong para sa 161 na pamilya
na nasalanta ng mga nagdaang bagyo na nagkakahalaga ng P1.61 million sa
ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).
At
nais ko pong ibalita sa inyo na ang pagpapatupad sa Arterial Road Links
Development Projects funded under the 22nd Yen Loan Package
ng JBIC na sinimulan pa noong panahon ng dating punong lalawigan, ay
ganap ng isasagawa sa taong kasalukuyan. Uunahin po dito ay ang package
four (4) (ang pagkokongkreto ng Bazal Maria Aurora-San Luis road) at
paggagawa ng 4 at pagre-pair ng mga kongkretong mga tulay na dadaanan
nito na may halagang humigit kumulang P560M.
Sa
pagdalaw po ng ating mahal na pangulo sa Casiguran noong Setyembre 20,
2001 ay tumanggap tayo ng P5.0M para sa pagpapagawa ng tulay sa Pacugao
River. Kaya sa pagkakataong ito ay nais kong ipaabot ang aking
pasasalamat kay pangulong Arroyo sa kanyang patuloy na pagkalinga sa
lalawigan ng Aurora.
Ako
po ay nagsisikap na makipag-ugnayan sa lahat ng maaaring makatulong sa
ating suliranin ukol sa telecommunication partikular sa pagkakaruon ng
cellsite sa Aurora upang ito ay magkaruon na ng kaganapan. Nahihirapan
po tayo na mag demand sa mga telecommunication companies na madaliin
ang paglalagay ng nasabing pasilidad sapagkat sang-ayon sa kanilang
pag-aaral ay napakalaki ng magiging investment nila sa proyektong ito.
Ngunit huwag po tayong mawalan ng pag-asa at sisikapin ko sa
pamamagitan ng paghingi ng tulong sa matataas na pamunuan ng national
government ay matupad ang proyektong ito.
Ako
po ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa loob ng anim na
buwan pa lamang ng aking paglilingkod sa ating lalawigan ay patuloy
nating nadarama at nakikita, na sa kabila ng mga kahirapan na dinaranas
natin ay nanduon pa rin ang pag-asa at mga oportunidad upang ang ating
lalawigan ay tuluyang umunlad.
Aaminin
po natin na nuong nakaraang taon ay nadama natin ang matinding
paghihirap ng pamahalaan dahil sa palagiang pagkaantala at kulang na
releases ng Internal Revenue Allotment o IRA sa mga LGUs. Ito po ay
naging isang malaking hamon sa akin bilang Punong Lalawigan- ang
balansehin ang mga gastusin ng pamahalaan. Para po sa inyong kabatiran,
nuong nakaraang taon ang ating pinagtibay na budget ay may kabuuang P
251, 410,577.00 at ang ating nagugol para sa mga proyekto at operasyon
ng Pamahalaang Panlalawigan ay humigit kumulang sa P193 milyon lamang,
dahilan sa mga cost-cutting measures na ating ipinatupad, sapagkat
batid natin na hindi natin mare-realize ang ating expected income na
siya ngang nangyari dahilan sa ang kabuuang income mula sa IRA at local
taxes ay umabot lamang ng mahigit sa P 182 milyon. Kung inyo pong
susumahin, sa kabila ng ating ginawang pagtitipid ay nagkaroon pa rin
tayo ng mahigit sa P 11
milyong deficit. Lahat po ng LGUs ay nasa ganitong sitwasyon sa
kasalukuyan dahilan nga sa kakulangan ng IRA na kanilang tinatanggap sa
ilang sunod-sunod na taon. Mabuti pa nga po ang ating kalalagayan
sapagkat sa sandaling matanggap natin ang P 2 M na ating mari-reimburse mula sa President’s Bridge
Program sa ilalim ng DILG,
ang ating share sa utilization ng national wealth na umaabot sa humigit
kumulang na P 1.7 milyon at ang ating receivable na IRA na
nagkakahalaga ng mahigit P 14 milyon, na maibibigay sa atin sa
pamamagitan ng bond floatation na ginagarantiyahan ng national
government ay magkakaroon pa tayo ng surplus na kulang na P 7 milyon.
Dahilan
nga sa kulang at delay na pag re-release ng IRA ay agad tayong
nagkaruon ng mga adjustments at pagbabago sa pamamahala. Pinagtuunan
natin ng pansin ang pamamahala sa loob ng ating malaking organisasyon
at dahil dito ay unti-unti nating isinasa-ayos ang mga tanggapan, ang
mga sistema at proseso na akma sa kasalukuyang sitwasyon. Ipinanukala
ko ang palagiang pagtitipid sa paggastos at paggamit ng mga resources
ng pamahalaan na hindi naman masasakripisyo ang uri ng serbiyo na ating
binibigay. Umaasa akong ito ay magiging bahagi ng kultura ng ating
organisasyon at ng ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan. Binawasan natin
ang bilang ng mga casual employees ng mahigit sa 50% at aking hinikayat
na imaximize ang bawat oras ng ating mga permanenteng kawani,
kaalinsabay ang ating pagiging istrikto sa pagpapatupad ng iba pang
cost-cutting measures gaya ng pagreregulate ng travel, overtimework at
pagbili ng mga office supplies. Nagpapasalamat po ako sa pang-unawa ng
marami ngunit may mangilan-ngilan po na mga hindi agad nakaunawa sa
aking ginawa kung kaya nais kong ipaabot sa ating mga kababayan na ito
po ay kailangan nating gawin dahil ito ang hinihingi ng pagkakataon.
Hinihikayat
din natin ang patuloy na pagtutulungan ng ating mga GOs at pribadong
sector para sa maayos at mabisang pagpapatupad ng mga programa at
proyekto ng lokal na pamahalaan.
Despite
the difficulty we have experienced, I still believe that capacity and
capability building program should be sustained to ensure productivity,
effectiveness and efficiency of our employees.
Hindi
po magiging matagumpay ang ating mga ginagawang pagsisikap kung ang
ating komunidad ay wala namang kaayusan at katahimikan. Kaya
sasamantalahin ko ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang mga
bumubuo ng PNP, DILG, Philippine Army, Regional Trial Court, Municipal
Trial Courts, IBP Aurora Chapter at DOJ sa kanilang concerted efforts
upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng ating lalawigan at
masiguro ang mabilis na paggagawad ng hustisya sa ating lugar. Base sa
ulat ng PNP sa nagdaang taon ay 91.81 % ang crime solution efficiency
rate sa lalawigan at ang bilang ng krimeng naganap ay bumaba mula
walumpu, ito ay naging pitumpu’t-lima. Nagsagawa ang Philippine Army
ng 3,404 combat operations sa buong lalawigan bilang bahagi ng
anti-insurgency campaign ng pamahalaan. Naging abala rin sila sa
pagpapahusay pa ng kanilang relasyon sa komunidad at sa mga lokal na
pamahalaan at dahil dito ay nakasama natin sila sa iba pang mga gawaing
pangkaunlaran na pinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan katulad ng
pangangalaga ng ating kalikasan, sa pagbubuo ng mga kooperatiba at
pagsasagawa ng FAITH gardening. Dahilan din po sa kanilang initiative
ay naitatag ang Area Coordinating Center.
Kamakailan
lamang, may nakarating pong ulat sa aking tanggapan na may nagsimulang
mag-operate ng jueteng sa ilang bayan ng ating lalawigan. Dahil dito,
ay kaagad kong inatasan noong January 11, 2002 si Police Superintendent
Moises Guevarra na agad sugpuin ang jueteng operation. At ako naman ay
nagpapasalamat sa kanyang kaagad na pagtugon na naging dahilan ng
pagkakahuli ng ilan na sangkot dito. Nais ko pong ipaabot sa ating mga
kababayan na sa ilalim ng aking pamamahala ang ganitong uri ng ilegal
na sugal ay hindi ko mapapayagan. Kung kaya, inaasahan ko na kayo ay
magiging vigilant dahilan sa ang ganitong uri ng operasyon ay hindi
madaling supilin kung wala ang kooperasyon ng taong bayan.

CONCLUDING
REMARKS
Ating
patuloy na palalakasin ang ating sektor ng Agrikultura; lalong-lalo na
ang mga agri-based industries ng probinsiya. Ating sisiguruhin ang
patuloy na paghahatid ng basic social services sa pamamagitan ng ating
mga programang pangkalusugan, nutrisiyon, social welfare at edukasyon.
Ating
isasagawa ang mga kinakailangang basic at major infrastracture projects
na siyang pangunahing kailangan sa pagpapa-unlad ng ating ekonomiya.
Ang ating pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran na siya nating
malaking puhunan sa pagpapa-unlad ng turismo at sustainable
development, ay ating ipagpapatuloy sa tulong ng mga opisyal, kawani at
mamamayan ng (8) walong bayan. At upang mahusay na magampanan ng mga
kawani at opisyal ang kani-kanilang tungkulin ay ipagpapatuloy natin
ang mga capacity at capability building program. Pag-iibayuhin po natin
ang pakikipagtulungan sa sector ng mga kababaihan, senior citizen,
kabataan, magsasaka at sa mga NGOs, peoples at civic organizations.
Upang
maipatupad ang ating mga plano ay naghain tayo sa Sangguniang
Panlalawigan ng Annual Budget na may kabuuang P210,173,351.00 mababa ng
P41,237,226.00 sa Annual Budget ng nakaraang taon, kung kayat ang aking
mga nabanggit na cost cutting measures ay muli nating ipatutupad at
tayo ay muling iisip ng mga pamamaraan kung paano pa madadagdagan ang
ating financial resources sa kasalukuyan, katulad ng pagpapasa ng ating
bagong Provincial Tax Ordinance na nasa Tanggapan na ng Sangguniang
Panlalawigan.
It
is worthy to note, however, that for the past year we had met several
barriers that in one way or the other have prevented us from performing
even better. With this, I am encouraging everyone not to lose hope,
instead let us give our full commitment and give value to hardwork
because much is expected from us and from the government, more so at
this time of economic crisis.
We
have lesser resources at our command and this strongly suggests that
LGUs need to look forward and to pursue other alternative options on
how we could effectively address the various concerns raised by our
people. The achievements and difficulties we encountered last year are
just manifestations of our own strenghts and weaknesses. Let these
matters then, be a lesson and at the same time, a challenge to each and
every public servant.
I
believe that much are yet to be done. I therefore look forward to a
more fruitful and collaborative undertakings with the legislative
branch and other government agencies.
Naniniwala
po ako na sa panahong ito ay dapat nating pag-ibayuhin ang
pagtutulungan at pagkakaisa upang maging mas madali, at mabilis nating
maihatid ang mga inaasahang serbisyo ng mga
mamamayan. Sa punto pong ito ay ipina-aabot ko ang aking lubos
na pasasalamat, una, sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, sa
mga pinuno at kawani ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal at
Nasyonal, at sa ating mga kababayan, sa inyong napakahalagang tulong at
bahagi sa paghahatid ng mga programa at serbisyo sa ating mga minamahal
na mga kababayan. Inaasahan ko na patuloy ko kayong makakasama sa mga
mabubuting adhikain para sa ating lalawigan.
Hilingin
po natin sa Panginoon na ang kasalukuyan, at ang mga susunod pang mga
taon ay maging mabiyaya para sa ating mahal na Lalawigan.
Together,
we will make Aurora rise and shine!
Mabuhay
po Tayong Lahat! Mabuhay ang Lalawigan ng Aurora!
|